15/03/2020
Nasa Emergency Situation na tayo sa Maynila kaya kailangan maging mas masinop tayo sa paglilinis, pagdidisinfect at higit sa lahat sa pag-aalaga ng ating mga sarili.
1. Hanggat maaari, dapat natin iwasan ang contact sa ibang tao sa labas ng ating mga household/bahay. Kung hindi talaga kailangang lumabas, huwag na lang sana.
Habang gumagalaw tayo mas lumalaki ang pagkakataon na mahawa tayo sa iba. Ang virus ay hindi gumagalaw ngunit tayo and gumagalaw. Tayo po ang nagpapagalaw sa virus kaya kailangan po na pumirme tayo sa isang lugar habang tayo ay naka Community Quarantine.
2. Kung kailangan talaga lumabas para mamili ng pagkain o ibang pangangailangan, magsuot ng MASK, HUWAG HAWAKAN ANG MUKHA LALO NA ANG ILONG AT BIBIG, MAGDALA LAGI NG SANITIZER OR ALCOHOL at lagi itong gamitin. Huwag ilalagay ang iyong sarili sa gitna ng maraming tao.
Kung kayo ay galing sa labas (palengke, grocery at matataong lugar), magbihis muna ng damit bago magpatuloy ng trabaho at maghugas ng kamay. Ilagay kaagad ang damit na gamit sa labas sa labada or ibabad na sa tubig at sabon para sigurado. Ito naman ay mga hakbang sa pag-iingat lamang.
Reminder: Gamitin ang inyong cellphone at mag alarm kada 30 minutes-1 hour. Tuwing mag alarm ang inyong cellphone, magsanitize ng kamay or maghugas.
3. Habang kayo ay nasa bahay, ugaliin na punasan ng alcohol ang mga lugar na laging nahahawakan ng kamay. Mga doorknob at pinto, sliding door handles at gate ng bahay. Kung kayo ay tatanggap ng anumang delivery para sa bahay, maaaring magspray ng alcohol or bleach/water solution (clorox) basta lang hindi ito pagkain! Hanggat maaari, huwag na lang magpapapasok ng ibang tao sa loob ng bahay na galing sa labas.
4. Ang tsinelas o sapatos na galing sa labas, iwanan sa labas at gumamit ng tsinelas na para sa loob lang ng bahay. Bago ipasok ang mga sapatos at tsinelas na galing sa labas, mag spray ng alcohol sa suelas nito.
5. PARA SA MGA DRIVERS: Talagang hindi maiiwasan na kayo ay lalabas lalo na kung may lakad o utos ang inyong employer. Huwag na lang makihalubilo sa ibang driver dahil lahat tayo ay puedeng carrier. Magbaon na lang ng pagkain galing sa bahay imbis na bumili sa labas.
Magsuot ng mask habang nagmamaneho sa kotse para lalong sigurado tayo.
Sa bawat pagpasok mo sa kotse, punasan ng alcohol ang manibela at kambyo para sigurado dahil malamang marami tayong nahahawakan sa labas. Mabuti na ang sigurado. Mag alarm rin sa inyong cellphone kada 30 minutes-1 hour para ikaw ay makaalala magsanitize o maghugas ng kamay. Di bale na na tuyo ang balat natin, basta lang iwas sa sakit.
6. Kung maaari, gumamit na lang muna ng PAPER TOWELS imbis na hand towels habang tayo ay umiiwas sa virus.
7. Kapag ikaw ay naghahanda ng pagkain, mas mabuti na KAKAHUGAS mo lang ng kamay (wag na humawak ng iba) at magmask para sigurado.
8. Lahat ng papasok sa bahay galing sa labas ay DAPAT MAGHUGAS NG KAMAY
9. Ugaliing linisan at isanitize ang inyong mga cellphones ng alcohol o sanitizer dahil lagi nating itong hawak at malapit sa ating mukha at bibig.
10. Hanggat maaari, magtiis muna tayo na hindi lalabas habang tayo ay naka Community Quarantine.
11. Uminom ng VITAMIN C ARAW ARAW, MATULOG NG MAAGA, KUMAIN NG WASTO (PRUTAS AT GULAY) AT LAGING UMINOM NG TUBIG. Dapat lagi kang may dalang tubig para hindi mo makalimutan.
12. Kapag ikaw ay may nararamdaman na sakit (sipon, ubo, sore throat, pananakit ng katawan, lagnat at diarrhea) magsabi kaagad sa inyong doktor.
13. Ibahagi ninyo ang mga reminders na ito sa inyong pamilya sa probinsya or dito sa Maynila para lahat tayo ay malusog at protektado.
14. Hindi FOREVER and COMMUNITY QUARANTINE at ang ating pinagdadaanan. Kailangan lang ay tayo ay sumunod at makipagtulungan upang hindi na kumalat ang virus. kailangan tayo ay maging malakas at malusog lagi.
15. Magkaisa at Manalangin bilang isang pamilya.