10/04/2026
📢 MAHALAGANG PAUNAWA 📢
Sa aming mga mahal at suking customer,
Una sa lahat, maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta sa aming maliit na laundry shop. Malaki po ang aming pasasalamat sa bawat customer na patuloy na tumatangkilik sa amin.
Ipinapaalam po namin na simula Lunes, Abril 13, 2026, ang aming regular laundry rate ay magiging ₱210 bawat load (max 8kg).
Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa pagbabagong ito.
Mula Mayo 2022 hanggang Marso 10, 2026, nanatili po sa ₱195 bawat load ang aming presyo sa loob ng halos apat na taon. Sa panahong iyon, kahit patuloy na tumataas ang gastos sa kuryente, supplies, at gasolina,pinili po naming huwag munang magtaas ng presyo upang manatiling abot-kaya ang aming serbisyo para sa aming mga customer.
Ngunit sa mga nakaraang buwan, lalo pong lumaki ang epekto ng pagtaas ng gastos sa aming operasyon. Kahit bago pa ang kasalukuyang gulo at pagtaas ng presyo ng gasolina, matagal nang tumataas ang presyo ng mga bilihin. Kamakailan lamang, ang presyo ng gas/lpg na ginagamit sa pagpapatuyo ng damit ay tumaas ng 61%, na malaki na pong epekto sa aming pang-araw-araw na operasyon.
Mula Marso 11, 2026, dalawang maliit na adjustment lamang po ang aming nagawa, at ang kasalukuyang pagbabago ay kinakailangan upang maipagpatuloy namin ang operasyon ng shop, mapanatili ang kalidad ng serbisyo, at masuportahan ang aming mga empleyado.
Hindi po naging madali ang desisyong ito para sa amin, ngunit ito po ay hakbang upang maipagpatuloy namin ang paglilingkod sa inyo sa mga darating pang buwan at taon.
Kami po ay taos-pusong humihingi ng inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa aming maliit na negosyo.
Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala at pagtangkilik. 💙