08/09/2025
Mga maling akala sa Anay
Akala nila na kapag wala kang nakikitang anay, ibig sabihin safe ang bahay or kung puro semento naman ang bahay. Ang totoo, sa ilalim at loob sila gumagalaw. Kapag nakita mo sila it means may damage na, malala na ang tama.
Isa pa, iniisip ng iba sapat na yung nabibiling spray o kemikal sa hardware. Ang problema, ibabaw lang ang tinatamaan nun. Hindi niya naaabot yung mismong colony sa lupa na siyang ugat ng problema.
At yung iba naman, iniisip maliit lang ang kaya sirain ng anay. Pero kahit isang maliit na kolonya, kaya niyang ubusin ang hamba, cabinets, pati kisame kung pababayaan.
Kaya wag mo silang maliitin, maliit lang pero malaki ang damage.