30/05/2026
๐ค๐๐
โKUNG ANONG KINALAKIHAN KONG CAR SCENEโ
๐
Sa totoo lang, bihira na talaga akong makalabas ngayon. Habang tumatanda, mas dumadami ang responsibilidad. Minsan nga, simpleng kape lang ng misis ko sa malapit, malaking pahinga na bago bumalik ulit sa trabaho.
Marami pa rin namang dumadaan at tumatambay sa shop, pero hindi na tulad noon na kaya kong makipagkwentuhan nang matagal. Madalas kasi trabaho ang inuuna at pagdating ng gabi, mas gusto ko nang magpahinga para sa panibagong laban kinabukasan.
Kaya nung nagkayayaan magtambay sa gas station, parang matagal ko ring hindi naranasan yung ganung eksena. Pakiramdam ko tuloy parang newbie ulit ako.
Pero doon ko naalala kung bakit ko minahal ang car scene noon.
Hindi dahil sa pinakamalakas na build. Hindi dahil sa pinakamaraming alam. Hindi dahil sa pinaka-kilala sa eksena.
Kundi dahil sa kwentuhan.
Yung pupunta ka para makinig sa setup ng iba, mag-share ng sarili mong karanasan, at matuto sa isaโt isa. Kahit gaano ka na katagal sa scene, may bago ka pa ring matututunan.
Nakakatuwa rin makita ang mga mas batang enthusiasts ngayon. Marami silang alam na wala noon, at marami rin silang bagong perspektibo. Pero ang mas gusto ko, marunong silang makinig at makisama.
Isa lang talaga ang hindi ko gusto sa kahit anong tambayan, yung paninira at panlalait ng build ng iba lalo na kung wala naman yung tao para magsalita para sa sarili niya.
Para sa akin, build mo yan, pinaghirapan mo yan, at ikaw ang may pangarap para diyan. Kahit hindi ko personal na trip, rerespetuhin ko pa rin.
Siguro dahil yun ang kinalakihan kong car scene.
Yung mas maraming good vibes kaysa inggitan.
Mas maraming respeto kaysa yabangan.
Mas maraming kwentuhan kaysa siraan.
Sa dulo ng lahat, hindi naman tayo tumatambay dahil sa kung sino ang pinakamabilis o pinakasikat.
Tumatambay tayo dahil pare-pareho nating mahal ang kotse at masaya tayong kasama ang isaโt isa.
Hindi natin kailangan ng marami. Ang mahalaga, yung mga taong totoo ang suporta at tunay ang pakikisama.
Sana yung ganitong klase ng car culture ang maipasa natin sa susunod na henerasyon.
Tambay lang. Walang magaling. Walang maliit. Pantay-pantay.