22/08/2025
๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐ ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ณ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฟ ๐๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ ๐ฒ๐บ๐ฝ๐น๐ผ๐๐ฒ๐ฒ๐ ๐ฏ๐ ๐ฒ๐ป๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ ๐๐ฎ๐ณ๐ฒ ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฟ๐ผ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐. ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฑ ๐๐ ๐ฎ๐ป ๐ถ๐ป๐พ๐๐ถ๐ฟ๐ ๐๐ต๐ฟ๐ผ๐๐ด๐ต ๐ผ๐๐ฟ ๐๐ ๐ ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ ๐ด๐ฒ๐ ๐ฎ ๐ณ๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐ฒ๐๐๐ถ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป.
SMS/Viber: 09991971270
Landline: 8287-5184
or email us through [email protected]
DENGUE SURVEILLANCE UPDATE
Ang kaso ng dengue sa Quezon City ay umabot na sa 6,872 mula January 1 hanggang August 18, 2025. Mas mataas ito ng 155% kumpara sa kaso noong 2024 sa parehong panahon. Pinakaapektado pa rin ng sakit na ito ay mga batang sampung taong gulang pababa (3,407 cases). Dalawampuโt tatlo (23) naman ang naitalang nasawi kaugnay ng sakit na ito.
Upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa dengue, mahalagang gawin ang mga sumusunod:
โ
Panatilihing Malinis ang Kapaligiran
Tanggalin ang mga pinamumugaran ng lamok sa loob at labas ng bahay, alisan din ng tubig ang mga lalagyan tulad ng timba, plorera, gulong, bote, at alulod upang hindi ito pangitlugan ng lamok.
โ
Protektahan ang Sarili sa Kagat ng Lamok
Magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon, lalo na kung pupunta sa lugar na may kaso ng dengue at maglagay ng mosquito repellent sa balat, lalo na sa umaga at hapon kung kailan pinaka-aktibo ang lamok.
โ
Palakasin ang Resistensya ng Katawan
Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay at Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.
โ
Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung may sintomas ng dengue tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, at rashes
Sa pagsunod ng mga hakbang na ito, makakatulong tayo sa pag-iwas sa dengue at mapapanatiling ligtas ang ating pamilya at komunidad.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dengue, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1055089823314957&set=a.637382685085675
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/1038855791605027
Manatiling updated tungkol sa banta ng dengue sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609