08/03/2023
😔
IMAGINE: Sabi ng tailgate ng sasakyan.
Imagine nasa napakaproblemadong relasyon ka at ikaw yung baboy sa likod ng sakayan
Na nakakulong ka sa maliit na rehas ng kahapon at hindi ka makagalaw at makatayo man lang ng mabuti dahil andulas na ng sahig ng inyong relasyon...
Na ang ingay ng mga businang patungkol sa inyo, ay umaalingaw-ngaw na para bang nakakabinging paglipad ng gamo gamo...
Na ang init at tirik ng panahon ay lalong pinalala pa ng karelasyon mong dimo mo man lang masilungan sa oras ng kagipitan...
Na sa panahong ikaw pa mag-isa, ang happy mo at ang gusto mo nagagawa mo at nung kayo nang dalawa, ay para bang may tali sa ilong mo na kung saan hinila, ay duon ka pupunta.
IMAGINE..
Kaya chose the right person who makes you happy not whom you want to be happy.
Pwede namang magsakripisyo, pero hindi sa lahat na lang ng oras. Nagmumukha ka na kasing alila. Kawawa ka na.
Masaya ang buhay! Wag mong sayangin sa mapaminsalang relasyon.
Bigyan mo naman ng halaga ang sarili mo!
Kuya Reybars advice