03/03/2026
Mahigpit na pinaaalalahanan ng OWWA ang lahat ng OFWs sa Middle East na sundin ang mga abiso ng Philippine Embassy at lokal na awtoridad kaugnay ng kasalukuyang security situation.
Patuloy ang koordinasyon ng OWWA sa mga Migrant Workers Office at Embahada upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga Kababayan.
Pinapayuhan ang lahat na:
• Subaybayan ang opisyal na anunsyo ng Philippine Embassy at verified accounts ng host government
• Tukuyin ang pinakamalapit na shelter at maging handa sa anumang emergency alert
• Iwasan ang mga lugar na may potensyal na panganib
Para sa agarang tulong, makipag-ugnayan sa mga hotline ng Embahada at MWO/OWWA na nakalista sa ibaba.