30/05/2026
ALTAR AREA UPDATE & PAALALA SA MISA (As of May 30, 2026)
ISANG MAHALAGANG BALITA PARA SA LAHAT NG ATING MGA PAROKYANO:
Ipinagbibigay-alam po namin ang pinakabagong pag-unlad sa rehabilitasyon ng ating Altar Area, pati na rin ang mga pansamantalang pagbabago sa ating mga Banal na Misa:
PROGRESS NG KONSTRUKSYON:
- Matagumpay na pong natapos ang buong pagsesemento sa flooring at mga hagdan ng ating Altar Area.
- Pansamantala po munang hihinto ang mga pisikal na trabaho sa altar sa loob ng 14 na araw o dalawang (2) linggo. Ito ay para sa sapat na curing time ng semento upang masiguro ang katibayan nito bago ilatag ang mga Machuca tiles.
- Susunod na Hakbang: Pagkatapos ng dalawang linggo, sisimulan na ang paglalagay ng mga Machuca Tiles at kasabay ang paggawa din ng sa ating bagong Altar Table at Ambo na gawa sa Marmol.
MAHALAGANG ANUNSYO SA VENUE NG MISA:
- Pagbabalik ng Weekday Masses sa Loob ng Simbahan: Dahil nakapahinga ang konstruksyon para sa curing time, simula bukas ay ibabalik muna ang lahat ng weekday masses sa LOOB NG SIMBAHAN.
- Manatili po tayong naka-abang sa ating mga susunod na opisyal na posts para sa anunsyo kung kailan muling ililipat ang mga misa kapag na umpisahan na ang pangalawang yugto ng construction.
Maraming salamat po sa inyong walang-sawang suporta, pang-unawa, at pagkakaisa sa proyektong ito para sa mas maganda at mas matibay na tahanan ng panalangin.
Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal!
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]