07/09/2024
Nag IISANG KAPWA
Nag-aaway away kayo sa socmed kung sino magaling , eto ang tunay na sagot sa problema nyo.
Kung may tulin motor nyo at magaling talaga kayo, dalhin nyo sa NGO.
Wag puro kwento lang.
Sa NGO mo talaga masusubukan ang tunay na tulin ng motor mo.
Yung mga nag-aaway dito sa socmed, dito kayo magtestingan.
Yung mga may gustong patunayan, dito nyo patunayan.
Yung walang kailangan patunayan, dito kayo lumaro.
Yung gustong sumubok at maramdaman yung thrill ng tunay na karera, dito kayo sumali.
Yung nagsasabing magaling na mekaniko sila, dito nyo subukan ang kakayanan nyo. Autopass sa matulin lang sa kwento. Autopass sa pekeng humbleness. Alam mo yung tunay na humble sa humbog.
Matulin pala yan e, matulin pala kayo... bat di ko nakikita sa NGO? Yan ang tanong.
First of all, di kame magaling. Di kame matulin. Di kami nakikipagpagalingan sa iba. At higit sa lahat kahit kelan, di kami nagyabang.. Main reason ng pagsali namin e HINDI para ipakita sa lahat na may ibubuga kame. Kundi para sa sarili namin na GUSTO namin MARANASAN na sumali sa NGO.
First time namin sumali sa NGO, muntik na maka-chamba sa Semi finalists. Binilang namin na chamba yun kasi unang beses palang. Bawat panalo namin, tine-take namin na chamba lang. Pero para samin, masaya na kami dun. Alam namin sa sarili namin na may bunga yung paghihirap namin. By the time na sumali ulit kami, dalawa o isa lang pinanalo namin. Bakit? Kasi nagsipagtulingan yung iba. Mas nagseryoso sila. Kame napag-iwanan. Kulang kami sa kaalaman. Dyan namin nasabi na... iba talaga ang marurunong🫡
Bakit ba kamo sinasabi ko to?
Wag kayong magparinigan at magsiraan. Di na kayo mga bata.
Yung magagaling nga nagpapalakas pa, kame magpapalakas din kame.
Kami nga na hindi marunong at walang alam sa larangan, sumusubok e. Pano pa kaya yung magagaling talaga. Diba? Kaya hinihimok ko yung tunay na magagaling talaga at tunay na matutulin talaga. Ako mismo gusti ko masaksihan at gusto ko matuto galing sa inyong mahuhusay kung pano nyo nagagawa yung mga ginagawa nyo. Ipakita nyo sa karera.
Dito natin subukan lahat. Happy racing lang. improve natin ang sarili naten para pagdating ng panahon, mataas na standard natin sa karera. Tigil tigilan ang kaholan sa socmed. Subok lang ng subok.
Di kami magaleng, di kami matulen, inexperienced pa kami, malayo pa kame sa malalakas, bagito lang kame. Pero di kami magsasawang sumubok ng sumubok. Di nakakahiya yung sumubok ka tapos natalo. Mas nakakahiya yung di naman sumusubok, andami pang nasasabe.
Ps. Respect sa mga nauna, respect din sa nagsisimula palang🫡
Mananatiling kalmado sa mundong puno ng toksik🤫
Sarili lang ang hihigitan💪🏽