04/04/2026
📢 Update sa WKL Loyalty Program
Hi po sa lahat! 👋
Simula April 10, pansamantala muna naming ihihinto ang pagbibigay ng stamps para sa ating loyalty program.
Dahil po ito sa patuloy at hindi tiyak na pagtaas ng presyo ng mga laundry consumables tulad ng detergent, fabcon, plastic, at iba pang supplies, lalo na ang LPG gas na may pinakamalaking pagtaas, nais naming masigurado na mapapanatili namin ang kasalukuyang presyo ng aming serbisyo.
💡 Good News!
Lahat ng existing stamps ay mananatiling valid — pwede niyo pa rin gamitin 😊
Ibabalik namin ang pagbibigay ng stamps kapag naging stable na ulit ang mga presyo ng bilihin.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta 🙏
Malaking tulong po ito para mapanatiling abot-kaya ang aming serbisyo para sa lahat 💙
Salamat po! 🙌