03/01/2026
ALAS-DOSE
New Year’s Eve. Maingay ang buong barangay—paputok, sigawan, tawanan, countdown kahit wala pang alas-dose. Normal lang sana.
Pero may isang bagay na hindi.
Last year, may batang namatay dito. Si Bato. Labindalawang taong gulang. Hawak niya ang ilegal na paputok nang bigla itong sumabog sa kamay niya. Sabi ng iba, mabilis lang daw. Pero sabi ng nanay niya, narinig pa raw niyang sumigaw si Bato bago siya tuluyang namatay.
Simula noon, tuwing Disyembre 31, may kakaiba.
May paputok na sumasabog kahit walang nagsisindi.
May amoy ng pulbura kahit tapos na ang paputukan.
At minsan, may batang tumatawa kahit wala namang bata sa labas.
11:59 PM.
Nasa sala ako, hawak ang phone, naghihintay ng countdown. Nasa kusina ang pamilya ko. Naka-lock ang pinto. Sarado ang mga bintana.
Biglang may naamoy akong sunog.
Pagtingin ko sa labas, may batang nakatayo sa ilalim ng streetlight. Madungis. Basang-basa ang damit. Hawak niya ang isang mahabang kwitis.
Kilalang-kilala ko ang mukha.
“Bato?” napabulong ako.
Dahan-dahan siyang tumingala. May mga itim na marka sa balat niya, parang nasunog. Ngumiti siya.
“Ate,” sabi niya. “Alas-dose na ba?”
Nag-start ang countdown sa phone ko.
Ten… nine…
Umiilaw ang dulo ng kwitis sa kamay niya.
“Ayaw mo ba ng paputok?” tanong niya. Pero ang boses niya, parang nasa loob na ng bahay.
Five… four…
Biglang umikot ang doorknob sa likod ko.
Three… two…
Nag-blackout ang buong kalsada.
One.
Sumabog ang mga paputok sa langit. Kasabay nun, bumukas ang pinto sa likod ko.
Sa salamin ng bintana, bago tuluyang mamatay ang phone ko, may nakita akong mas nakakatakot—
hindi lang siya ang nasa labas.
May isa pa siyang kasama. Mas maliit. Mas sunog ang balat.
Pareho silang may hawak na sindi.
Continuation in comments..