21/06/2026
Happy Father's Day!
Ngayong araw, binibigyang-pugay natin ang lahat ng taong tumatayong haligi, gabay, at tagapagtanggol ng kanilang pamilya.
Maligayang Araw ng mga Ama sa:
Lahat ng mga tatay na buong pusong nagmamahal at nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak.
Mga single mom na tumatayong ina at ama nang sabay saludo kami sa inyong lakas at walang sawang pagmamahal.
Mga single dad na buong tapang na ginagampanan ang dalawang papel para sa kanilang pamilya.
Mga lolo, tito, kuya, ninong, stepdad, foster parent, at sa lahat ng taong naging gabay at ama sa puso.
Sa lahat ng mga taong piniling magmahal, umalalay, at magbigay ng magandang kinabukasan sa mga batang kanilang inaaruga kayo ang tunay na bayani.
Maraming salamat sa inyong sakripisyo, sipag, at pagmamahal na walang kapantay.
Happy Father's Day sa lahat ng ama at sa lahat ng pusong marunong mag-aruga!