02/03/2026
⚠️ BABALA SA MGA “TERMITE SPRAY” NA NABIBILI ONLINE ⚠️
Hindi lahat ng spray na “pumapatay ng anay” ay tunay na termite control.
Tandaan:
Ang anay ay hindi pang-surface lang.
👉 May colony sa loob ng kahoy at lupa na hindi kayang patayin ng simpleng spray.
🔍 Karaniwang problema sa online termite sprays:
❌ general insecticide lang (hindi termiticide)
❌ pumapatay lang ng nakikitang anay
❌ repellent - tinatakasan ng anay, hindi nadadala sa colony
❌ lumilipat lang ang infestation
❌ walang long-term protection
🚩 Red flags sa ads:
• “Spray lang, solved na”
• “Walang amoy kaya safe”
• walang malinaw na active ingredient
• walang registration o SDS
✅ Totoong termite control:
✔ non-repellent termiticides
✔ umaabot sa colony
✔ may residual effect
✔ ginagawa ng TRAINED at LICENSED pest control
💡 Bago bumili, itanong:
➡️ Ano ang active ingredient?
➡️ May registration at SDS ba?
➡️ Pang-termite ba talaga ito?
📣 Reminder:
Mas mahal ang maling treatment kaysa sa tamang pest control.
👉 Kapag anay ang usapan, huwag hulaan! Ipa-check sa licensed pest control professionals.