05/08/2026
⚠️ IMPORTANT ANNOUNCEMENT | PAALALA SA LAHAT NG APLIKANTE
Maging Maingat sa mga Taong Inyong Nakakausap Online.
Pinapaalalahanan po namin ang lahat ng aming aplikante na iisa lamang ang official office ng Aeroplus, na matatagpuan sa Las Piñas City. Wala po kaming anumang satellite office, branch, o kinatawan sa ibang lugar na awtorisadong mangolekta ng bayad mula sa mga aplikante.
PAALALA: WALANG PROCESSING FEE!
Ang Aeroplus ay hindi nanghihingi ng kahit anong “fee,” processing fee, placement fee, reservation fee, o anumang uri ng bayad mula sa mga aplikante para sa aming recruitment process.
Kung mayroong taong gumagamit ng pangalan ng Aeroplus at humihingi ng pera o bayad kapalit ng application, interview, processing, o employment, mangyaring huwag makipagtransaksyon at huwag magbigay ng anumang halaga o personal na impormasyon. P**i report po ito agad sa amin.
Para makasiguro at maiwasan ang anumang uri ng panloloko, hinihikayat po namin ang lahat na:
📍 MAG-WALK-IN sa aming official office sa Las Piñas City; o
📞 TUMAWAG sa aming official contact details na makikita sa ibaba ng post na ito.
Para sa inyong kaligtasan, ito lamang po ang official page ng Aeroplus. Mangyaring huwag basta maniwala sa ibang account, page, o taong gumagamit ng aming pangalan nang walang beripikasyon.
Maraming salamat sa inyong pag-iingat at pakikiisa.
AEROPLUS MULTI-SERVICES, INC.
Official Recruitment Announcement
#41 V. Concepcion Cor. Elizalde St. BF West Executive Village Las Piñas City
8806-4525 loc 113