04/06/2026
Kidney Disease sa Bata: Senyales
Payo ni Doc Willie Ong
1. Pamamaga ng Katawan (Edema o Manas)
Manas sa mukha: pamamaga sa paligid ng mga mata pagkagising sa umaga.
Pamamaga ng paa at binti: sumisikip ang suot na sapatos ng bata.
Malaking tiyan: Biglaang paglaki o paggaspang ng tiyan dahil sa naipong likido (fluid retention).
2. Pagbabago sa Pag-ihi (Urination Changes)
Mabula o may foam ang ihi: Senyales ito na may tumatagas na protina sa ihi (proteinuria), na karaniwan sa Nephrotic Syndrome.
Iba ang kulay ng ihi: Ang ihi na kulay pink, p**a, o parang tsaa (iced tea) ay palatandaan ng dugo sa ihi (hematuria).
Dalas ng pag-ihi: Biglaang madalas na pag-ihi o kaya naman ay labis na pagkonti ng ihi sa buong magdamag.
Simula muli ng pag-ihi sa k**a (bedwetting) kahit marunong gumamit ng banyo ang bata.
Sakit habang umiihi: Pag-iyak o pagrereklamo ng hapdi, na maaaring sanhi ng Urinary Tract Infection (UTI) o impeksyon sa bato.
3. Maliit at Pagod ang Bata.
Mabagal na paglaki (Stunted Growth): Hindi tumataas o bumibigat ang timbang ng bata kumpara sa kanyang mga kasing-edad.
Labis na pagkapagod: Palaging matamlay, walang sigla, at kulang sa lakas maglaro dahil sa anemia (mababa ang red blood cells) na dulot ng mahinang bato.
Kawalan ng gana kumain: Palaging busog o madalas nasusuka kapag pinapakain.
4. High Blood ang Bata.
Mataas na presyon ng dugo (Hypertension): Bagamat bihira sa bata, ang sakit sa bato ay maaaring magdulot ng high blood pressure na nagiging sanhi ng pabalik-balik na sakit ng ulo.
5. Pabalik-balik na lagnat: Lalo na kung walang kasamang ubo o sipon.
6. Pamumutla: Ang balat ng bata ay mukhang maputla o madilaw.
Patingnan ang bata sa pediatrician o pediatric nephrologist (doktor sa bato ng bata) para sa urinalysis at iba pang pagsusuri.