06/05/2026
Boss, labor nalang sayo at sa akin nalang ang materyales, pwede ba yon? Pwede!
May Customer ako 1hp. Namamahalan daw sya sa installation kaya kung pwede daw ay labor nalang ang sa akin at sa kanya nalang daw ang mga materyales para daw makatipid daw sya. Oo naman kako.
Nagkasundo kami sa labor charge at inilista ko ang mga materyales na kailangan. Mula copper tube hanggang sa tox and screw na maliliit. Itinuro ko kung saan ang mga bilihan. Pag nakumpleto kako ay message nalang sya para sa schedule ng installation.
Kinabukasan ay schedule na ng installation.
Bungad nya agad sa akin. "Ang mamahal pala ng mga materyales ng Aircon. Tapos ang layo pa ng bilihan. Akala ko ay doon ko na mabibili lahat. Yung iba pala nyan ay sa hardware mabibili, kaya naghanap pa ako ng hardware. Halos maubos ang gas ko sa pabalik-balik. Tapos, buong-araw halos ang ginugol ko sa pagbili nyang mga yan. Akala ko ay makakatipid ako, napamahal pa pala."
Sinang-ayunan ko lahat ang kanyang mga sinabi.
Sa unang tingin ay pricey talaga ang installation charge ng mga Aircon. Pero ang hindi alam ng karamihan na ang mamahal naman talaga ng presyo ng mga materyales na ginagamit. Ang mga copper tube ay madalas nagbabago ang presyo. Buti sana kung pababa ang presyo, ang kaso ay pataas lagi. At tama, gumugugol muna kami ng panahon at oras para sa pagbili ng mga materyales para pagdating sa inyo ay tuloy-tuloy na ang trabaho.
Ano mang pagbabago sa presyo ng mga materyales ay hindi naman nagbabago ang presyo ng installation charge.
Hindi mo rin naman masisi si customer kung gustong makatipid dahil nga sa ang mamahal naman talaga ng bilihin sa ngayon na sinabayan pa ng tindi ng init ng panahon.
LOOKING FOR AIRCON CONTRACTOR AND RELIABLE AND TRUSTED AIRCON SERVICES?
Message Us Now!!
BOOK NOW! We offer home service.
Services offered below:
âś…Brandnew Aircon units
âś…Aircon general cleaning
âś…Aircon Installation
âś…Refrigerant charging / Freon charging
âś…Pulldown AC Cleaning
âś…Relocation of AC unit
âś…Dismantling of AC unit
âś…System re-process
âś…Preventive Maintenance, Repair and troubleshooting
âś…Electrical wiring repair and installation
Book now!!
09203132349
09669869713
Text, call or direct message!
Professional technicians.