08/04/2026
Sa aming mga mahal na customer,
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gas, nais po naming ipaalam na magkakaroon ng kaunting pagtaas sa presyo ng aming laundry services.
Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang dulot nito. Nauunawaan po namin ang inyong mga alalahanin, ngunit dahil mahalagang bahagi ng aming operasyon ang gas, kinakailangan po ang pagbabagong ito upang maipagpatuloy namin ang de-kalidad na serbisyo.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pag-unawa at patuloy na pagtangkilik. Makakaasa po kayo na mananatili kaming tapat sa pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa inyo.
Maraming salamat sa pagtitiwala sa JD Laundromat.