12/05/2026
FYI ‼️
“Akala ng iba, pampaganda lang ang detailing at paint correction, pero totoong protection talaga to para sa sasakyan natin.
Habang tumatagal kasi, naiipon ang swirl marks, watermarks, oxidation, at gasgas dahil sa araw, ulan, maling carwash or pag punas ng basahan, at everyday use. Unti-unting numinipis at nasisira ang clear coat ng pintura.
Sa paint correction, hindi lang namin nililinis nire-restore namin yung kinis, gloss, at lalim ng pintura para bumalik yung showroom finish ng sasakyan.
Mas protected ang paint, mas fresh tingnan, at mas tumatagal bago kumupas.
Prevention is always cheaper than repaint.
Kaya importante ang tamang alaga, hindi lang para pogi tignan kundi para mapanatili yung kondisyon at value ng sasakyan mo.”