11/05/2025
🗓 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘 𝗡𝗢𝗧𝗜𝗖𝗘 📢
Monday – May 12, 2025 (Election Day) - Opens at 12 noon until 8 PM
Tuesday - May 13, 2025 - Regular Operating Hours - Opens at 7 AM until 8 PM
📌 This is to give our employees ample time to exercise their right to vote, please take note of our posted operating hours applicable to all of our branches.
𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗠𝗢, 𝗕𝗢𝗦𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢 🗳️🇵🇭
Bukas, ika-12 ng Mayo, ay muling magpapasya ang sambayanang Pilipino, hindi lang para sa kasalukuyan, kundi para sa kinabukasan. Huwag nating sayangin ang pagkakataong pumili ng tama. Ang boto mo ay boses mo, at ang boses mo ay may kapangyarihang bumago ng sistema para sa mga Pilipino. Kaya’t habang papalapit ang halalan, itanong natin sa ating sarili: “𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐧𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐭𝐨 𝐤𝐨?”
Bilang kabataan, bilang mamamayang Pilipino, hawak natin ang kapangyarihan. Isang boto ang kayang pumigil sa katiwalian. Isang boto ang maaaring magpanalo ng tapat, matalino, at makabayang pinuno. Sa simpleng pagpila, sa simpleng pagtatala sa balota, may panibagong pag-asang sisibol sa ating bansa.
Kaya’t ngayong eleksyon, bumoto tayo ng may isip at may puso Huwag tayong matakot pumili ng tama—𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗻𝘂𝗿𝗶, 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻.
Ikaw ang simula ng pagbabago. Ikaw ang tinig ng pag-asa. 𝐁𝐮𝐦𝐨𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐝𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥. 𝐁𝐮𝐦𝐨𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐬𝐢𝐩𝐲𝐨'𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧. 𝐁𝐮𝐦𝐨𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. 💪🇵🇭
✍️: Rhiane Balingbing
👩💻: Yuri Leigh Mediavillo