08/06/2025
Magandang araw po, mga suki!
Nais po naming ipaalam na maaaring magkaroon ng kaunting pagkaantala sa paglalaba dahil sa kasalukuyang water interruption sa ating lugar.
📌 Ayon sa Maynilad:
Dahil sa malakas na ulan, natatagalan ang pagkumpuni ng nasirang 2.2-meter pipeline sa Nicolas Zamora Street, Tondo, Manila na dulot ng third-party contractor. Dahil dito, pinalawig ang water service interruption hanggang 10:00 PM ngayong araw, Hunyo 8, 2025.
💧 Nagpadala na po sila ng mga water tanker sa mga apektadong lugar, ngunit limitado pa rin ang aming supply ng tubig.
Humihingi po kami ng paumanhin sa abala at lubos ang aming pasasalamat sa inyong pang-unawa. Ginagawa po namin ang lahat upang maiproseso pa rin ang inyong labada sa abot ng aming makakaya.
📲 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang mga opisyal na pahina ng Maynilad.
Maraming salamat po!