28/08/2026
"Walang pera sa art!"
"Bakit mo pa yan ginagawa?"
"Anong papakain mo sa pamilya mo, Drawing?"
Things na narinig ng hindi lang ako but also many artists or mga mahilig magdrawing nung time na mas nakakapag decide na sila na i-pursue yung creativity nila.
I know the feeling and kahit gets ko naman yung logical at may sense din naman yung argument ng iba tungkol sa pag pursue sa path na ito, hindi siya ganun kadaling bitawan. Or kung hindi man ipu-pursue para magtake ng ibang path, bakit kailangan bitawan?
Kasi para sa iba "hobby" lang ito but to some this is more than just a skill, it's an outlet, it's a way to process yung mga nangyayari sa life natin, it's a friend where there's nobody there for you, and for us believers, it's something deeper and meaningful.
Because we know God did not put that skill for nothing, (though it would take a lot of time and patience and practice para malaman mong may gift ka talaga dito). We know that even though the world is changing fast and yung mga creative skill na meron tayo ay nagkakaroon na ng maraming mas convinient na alternatives, We still say... "Kahit na!" And continue developing it.
To me umabot sa point na nung binitawan ko na ito dati at pinasa-Diyos, para ipursue ang pagka-camera at pagiging regular sa trabahong malayo sa passion ko. Na logical thing to do naman talaga. Meron at meron pa ring desire sa loob ko na alam ko babalik ako sa creative skill ng pagdo-drawing.
And I'm glad that hindi ko hinayaang matambakan ng kung ano-ano man yung skill na yun dahil kahit ako mismo pagive up na, si Lord may ginagawa pala sa background.
Bes, I just want to encourage you that you can put aside yung creative skill mo para lang gawin yung kailangan mong gawin para maka-survive, especially sa economy natin ngayon... pwede mo din pakinggan ang sinasabi ng mga mahal mo sa buhay tungkol dito at matuto kung bakit kailangan mong maghanap ng ibang paraan. Pero continue to pray for God's leading and discernment on what decision you must choose. but when it comes sa creative skill mo, please do not totally give it up no matter kung gaano pa kabilis ang takbo ng mundo.
May purpose si Lord kung bakit nilagay Niya yan sa buhay mo. Lahat ng masterpiece takes time to make. Kasama na dun yung kwento mo at ang dahilan kung bakit ka binigyan ng ganyang talento. Carpenter din si Lord diba?, binu-buo Niya lang yung creative path na ite-take mo!
Magtiwala ka lang sa Kanya.
----
For more paalalas, Read your Bible!
https://shopee.ph/jsdbooks/44483850618 Available now!