23/04/2026
WALA PO KAMING IBINEBENTANG UNITS ๐คฆโโ๏ธ
Gusto po naming linawin: KAMI PO AY ISANG SMALL BUSINESS LAMANG. Gaya ninyo, kami ay nagsisikap lang nang marangal
Kami ay isang service-based business (vendo carwash) at hindi kami supplier ng mga vendo machines.
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT: KAMI PO AY BIKTIMA RIN. ๐ข
Muli na naman kaming pinuntahan ng mga pulis sa aming tahanan. Sa pangalawang pagkakataon. Nakakadurog ng puso na makita ang mga kababayan nating nawalan ng pera dahil sa mga scammers na ginagamit ang aming pangalan at address.
SA MGA NAGBABALAK MAG-INVEST O BUMILI:
๐คฆโโ๏ธHuwag po kayong magpapaloko sa mga pekeng "Waybill" o kahit ipakita pa ang aming address.
๐คฆโโ๏ธ Ang paggamit nila ng aming Facebook link ay paraan lang para makuha ang inyong tiwala.
๐คฆโโ๏ธ Bago maglabas ng pinaghirapang pera, mag-double check o mag-video call sa kausap. COD nalang para safe kung may balak mag invest online.
Parang awa niyo na po, HUWAG MAGTIWALA AGAD. Tulungan niyo po kaming protektahan ang ating komunidad sa pamamagitan ng pag-share ng post na ito. Ayaw na po naming may makitang umiiyak at naghahanap ng hustisya sa aming pintuan dahil sa panloloko ng iba.
Mag-ingat po tayong lahat. ๐ก๏ธ