05/05/2026
26 minutes na lang from Biñan, Laguna to General Trias, Cavite? Yes, posible na! 🚗💨
Opisyal nang binuksan ang CALAX Subsection 3 sa pangunguna ni President Ferdinand R. Marcos Jr.—handang maghatid ng mas mabilis at mas maayos na biyahe sa Southern Luzon.
Ang 7.88-kilometer stretch na ito ay mula Silang (Aguinaldo) Interchange hanggang Governor’s Drive Interchange sa General Trias, Cavite, na magpapadali sa galaw ng mga motorista at magpapalakas pa ng koneksyon ng mga lalawigan.
Good news! Toll-free muna ang CALAX Subsection 3 sa loob ng isang buwan. Ang babayaran lamang ay ang existing toll fees mula Subsections 4 hanggang 8 (Mamplasan, Biñan hanggang Silang (Aguinaldo)). Para sa iba pang updates, abangan ang anunsyo ng Toll Regulatory Board katuwang ang CALAX management.
Mas mabilis na byahe, mas maraming oportunidad—tuloy-tuloy ang pag-unlad!
Source: https://www.facebook.com/share/p/1GLuPZUxcY/
Photo Credits: Radio Television Malacañang - RTVM