16/06/2025
Nakakaiyak pala magplantsa ng uniform ng anak mo…
Hindi dahil mahirap.
Hindi dahil dagdag trabaho.
Hindi rin dahil ayaw mo.
Kundi dahil doon mo marerealize…
ang bilis pala ng panahon.
Parang kahapon lang, pinaplantsa mo yung maliliit niyang lampin at onesie.
Ngayon, uniform na.
Parang kahapon lang, kasama mo siya kahit saan ka magpunta.
Ngayon, tahimik na ang bahay--kasi nasa paaralan na siya.
Biglang nag-flashback lahat.
Yung mga unang hakbang niya.
Yung unang "Mama."
Yung mga umagang sabay kayong nanonood ng cartoons.
Lahat ng maliliit na moment-- ngayon ay alaala na lang.
At isa rin sa nagbibigay ng luha sa mga mata ng isang ina--
ay ang tuwang malaman na nagsisimula na siyang magkaroon ng sariling mundo.
Mas malawak. Mas malaya. Mas masaya.
Malayo sa apat na sulok ng bahay.
Ito na ang simula ng kanyang paglalakbay.
At kahit masakit,
kahit mahirap,
pipiliin mo pa rin na ngumiti—
dahil alam mong ito ang tama.
Sa lahat ng nanay ngayong pasukan,
ramdam ko kayo.
Hindi tayo nag-iisa sa lungkot, sa saya, sa pangungulila, at sa pagmamalaki.
Isang mahigpit na yakap sa atin. 💛
©️Stay at Home Pinay Mom