31/07/2026
𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐢 𝐊𝐚𝐩. 𝐀𝐥𝐯𝐢𝐧 𝐙𝐮𝐧𝐢𝐠𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐫𝐨
Isang Masayang Araw ang hatid ng muling pag kikita nina Punong Barangay Kap. Alvin Zuniga at ng kanyang dating g**o sa Villamor Air Base Elementary School (VABES) na si Mrs Francisca Tobias, na naging g**o niya noong siya ay nasa Grade 4.
Ang kanilang pagkikita ay naging pagkakataon upang sariwain ang masasayang alaala noong panahon ng pag-aaral at magbigay-pugay sa isang g**ong naging bahagi ng paghubog sa kanyang pagkatao. Tunay na hindi malilimutan ang mga aral, gabay, at inspirasyong ipinagkaloob ng mga g**o na nagsisilbing matibay na pundasyon sa tagumpay ng kanilang mga mag aaral
Si Mrs Francisca Tobias, na ngayon ay retirado na bilang isang g**o sa pampublikong paralan, ay nagsilbing inspirasyon sa maraming kabataang kanyang naturuan sa loob ng mahabang panahon ng kanyang paglilingkod. Ang kanyang dedikasyon, sipag, at malasakit sa edukasyon ay nag-iwan ng hindi matatawarang ambag sa buhay ng kanyang mga mag-aaral.
Ang muling pagtatagpong ito ay nagpapatunay na ang paggalang at pasasalamat sa ating mga g**o ay nananatili sa puso ng bawat mag-aaral, gaano man karaming taon ang lumipas. Isang taos-pusong pasasalamat at pagpupugay kay Mrs Francisca Tobias sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa edukasyon at sa patuloy na inspirasyong kanyang ibinibigay sa susunod na henerasyon.
Maraming salamat po, Ma'am Francisca Tobias. Ang inyong pamana bilang isang g**o ay mananatiling buhay sa puso ng inyong mga naging mag-aaral.
“𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐙”
“ 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐚𝐭 𝐓𝐚𝐨 “
𝐖𝐨𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐭𝐨𝐰𝐚𝐫𝐝𝐬 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐌𝐎𝐑