17/10/2026
Kung babalikan ko yung mga nakaraang taon, ang dami ko nang sinubukan.
Iba’t ibang trabaho, iba’t ibang negosyo. May mga sinimulan akong akala ko magiging okay, pero hindi rin pala doon nakalaan. May mga pagkakataong hindi nag-work out ang mga pinasok ko, hanggang sa dumating sa point na halos naubos lahat.
Pero kahit ganun, hindi ako tumigil.
Hanggang sa napunta ako sa shoe cleaning business. 🧼👟
Simple lang ang simula ng SHOEbrang Linis. Natuto sa bawat proseso, nagkamali, nag-improve, at unti-unting binuo. Hindi naging madali, pero habang tumatagal, mas minamahal ko yung ginagawa ko.
Ngayon, masasabi kong maayos na ang progress ng SHOEbrang Linis. Hindi pa ito ang finish line, pero malayo na rin ang narating.
At higit sa lahat, salamat sa Diyos sa pagkakataong magsimula ulit at sa bawat blessing na dumarating. 🙏
“Commit to the Lord whatever you do, and he will establish your plans.”
— Proverbs 16:3
Sa lahat ng customers na nagtiwala, nagre-recommend, at patuloy na sumusuporta—maraming, maraming salamat. Po ❤️
Bawat pares na ipinagkakatiwala ninyo sa amin ay inspirasyon para lalo naming pagbutihin ang aming craftsmanship, quality, at service.