06/03/2026
MRT IPIS
Nagulat ang pasaherong si Joy Verdal nang makita niya ang grupo ng mga ipis na nakasiksik sa stanchion fitting ng tren ng MRT-3.
"Nagulat ako na parang may kumagat sa akin, tapos pag-picture (ko) ayan siya, parang maliliit na ipis," sabi ni Verdal.
Sabi ng pamunuan ng MRT-3, natukoy na nila ang train set na may mga ipis at agad itong isinailalim sa disinfection.
Pinadalhan na rin ng MRT-3 ng Notice to Explain ang Sumitomo Corporation, ang maintenance provider ng MRT-3 system.
Courtesy: Joy Verdal via Jonathan Andal/GMA Integrated News