20/04/2026
Friendly reminder mga ka-BMK! 😊
Dito po sa BMK Moto Carwash, para sa foam, medyo hindi sapat ang ₱5 na hulog para masabunan nang maayos ang inyong tricycle o kotse.Tumatanggap po ang ating vendo ng ₱5, ₱10, at ₱20 na barya, at mas recommended po ang ₱10 o ₱20 para tuloy-tuloy at mas sulit ang buga ng foam.
Kung sakaling bitin pa rin, pwede naman pong maghulog ulit ng ₱5 at ilagay ang bula sa balde para may extra kayong magagamit sa pagpupunas. 👍
Rest assured din po na quality car shampoo ang gamit natin—safe at protektado ang pintura ng inyong sasakyan. Sinisigurado rin po namin na hindi kayo lugi sa sabon. 💯
Maraming salamat po sa pagtangkilik sa BMK Moto Carwash — enjoy washing! 🚿🫧